Martes, Marso 15, 2016



MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 8
IKALAWANG MARKAHAN
(4 sesyon)
UNANG ARAW
TEMA: Sandigan ng Lahi. Ikarangal Natin
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng sariling paglalarawan ng kulturang Pilipino sa tatlong panahon- ang Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt, at Panahon ng Kasarinlan sa masining na paraan na nagbago, nawala at nananatili pa rin sa kasalukuyan.
POKUS NA TANONG:
            PANITIKAN- Masasalamin ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ito?
            GRAMATIKA/RETORIKA- Paano nakatulong ang paggamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng pamgyayari sa akda?

I.              LAYUNIN
Pag-unawa sa Napakinggan
Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong napakinggan
Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang pinakinggan
Pag-unawa sa Namasid
Naipapakita ang masigasig na pakikilahok sa mga Gawain
Pagsasalita
Nakakapagbahagi ng mga ideya na may kaugnayan sa aralin

II.            PAKSA
Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela
“Walang Sugat” ni Severino Reyes
b. Gramatika/Retorika: Kaantasan ng Pang-uri
c. kagamitang Panturo: manila paper, powerpoint, sipi ng akda at pentel pen

III.           PAMAMARAAN/YUGTO NG PAGKATUTO
TUKLASIN
A.PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
a.    Panalangin
b.    Pagsasaayos ng silid-aralan
c.    Pagbati
d.    Pagtatala ng liban

B. Pagpapaalam at pagkakasundo sa pokus na tanong at pamantayan sa pagganap

C. PAGGANYAK
·         Pagpapakilala ng aralin at paghingi ng ideya
·         Pagsagot ng mga mag-aaral sa mga gabay na tanong sa pamamagitan ng pangkatang Gawain
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang Sarsuwela?
2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan.
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela?
5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag.
·         Pagtukoy sa mga larawan at akda ng manunulat ( Gawain 2.1.1f: akda ko. Tukuyin mo
HANAY A                                                      HANAY B





a. Walang Sugat
b. Dalagang Bukid
c. Kahapon, Ngayon at Bukas
d. Ako Ang Daigdig
e. Sa Aking Mga Kababata
f. Isang Punongkahoy






























·         Pag-alam sa dating kaalaman ng mga mag-aaral at pagbibigay ng input (babasahin 1. Alam mo ba..Severino Reyes)








(babasahin 2. Alam mo ba . .Ang Sarsuwela)
















D. KASUNDUAN
1. Basahin ang isang sarsuwelang isinulat ni G. Severino Reyes na “Walang Sugat”






INIHANDA NI:
Mendoza, Jenny Rose F.
































MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 8
IKALAWANG MARKAHAN
(4 sesyon)
IKALAWANG ARAW
TEMA: Sandigan ng Lahi. Ikarangal Natin
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng sariling paglalarawan ng kulturang Pilipino sa tatlong panahon- ang Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt, at Panahon ng Kasarinlan sa masining na paraan na nagbago, nawala at nananatili pa rin sa kasalukuyan.
POKUS NA TANONG:
            PANITIKAN- Masasalamin ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ito?
            GRAMATIKA/RETORIKA- Paano nakatulong ang paggamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng pamgyayari sa akda?
I.              LAYUNIN
Pag-unawa sa Napakinggan
Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang pinakinggan
Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto
Pagsasalita
Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng pang-uri tulad ng:
 lantay
 pahambing
pasukdoL
Pakikitungo sa Wika at Panitikan
Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot
sa mga tanong at puna sa Panitikang napanood,nabasa o napakinggan

II.            PAKSA
Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela
“Walang Sugat” ni Severino Reyes
b. Gramatika/Retorika: Kaantasan ng Pang-uri
c. kagamitang Panturo: manila paper, powerpoint, sipi ng akda, graphic organizers at pentel pen

IV.          PAMAMARAAN/YUGTO NG PAGKATUTO
LINANGIN
A.   Pang-Araw-Araw Na Gawain
a.    Panalangin
b.    Pagsasaayos ng silid-aralan
c.    Pagbati
d.    Pagtatala ng liban
B.Pagbabalik Aral

C.Pagpapasagot Sa Mga Gawain
GAWAIN 2.1.1 h HANAP SALITA
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang nasa kahon. Pagkatapos, gamitin mo ito sa pangungusap.
Hanay A                                                                 Hanay B
_____ 1. Pagkasiphay                                            a. sinisinta
_____ 2. sumisimsim                                              b. kalungkutan
_____ 3. Kaparangan                                             c. apihin
_____ 4. Malumbay                                                 d. awit- panalangin
_____ 5. dalit                                                            e. magtaksil
_____ 6. Maglilo                                                       f. malungkot
_____ 7. Magahis                                                    g. mamatay
_____ 8. makitil                                                        h. mapahamak
_____ 9.aglahiin                                                      i. magapi
_____ 10. Pagbabata                                              j. kabukiran
k. pagtitiis
GAWAIN 2.1.1.I STORY BOARD
Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay dumako na tayo sa kasunod na Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story board. Piliin mo sa kasunod na mga pangyayari. Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod- sunod. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
a.    Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.
b.    Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong.
c.    Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
d.    Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel.
e.    Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas.
f.     Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at pagpapakasal niya kay Miguel.
g.    Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng “Walang Sugat”.
h.    Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia.
i.      Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo.
j.      Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang-bayan.



WALANG SUGAT






D.Pagbabahagi ng kasagutan ng bawat pangkat
E.   Pagsukat ng antas ng pang-unawa (ugnayang tanong sagot)
Malayang talakayan
GAWAIN 2.1.1.j: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Sagutin ang mga tanong namay kaugnayan sa binasang akda upang masukat natin kung naunawaan mo ang nilalaman nito.
1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang binurdahan?
2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong pagpapahirap ang naranasan niya sa kamay ng mga prayle?
3. Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.


4.Indibidwal na Gawain (venn diagram)
5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman ? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba
sa pasiya ng iyong ina? Bakit?.
6. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II.
7. Angkop ba ang pamagat naWalang Sugat sa akda? Bakit?
8. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag.

F.    Pagsagot sa mga gabay na tanong
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang Sarsuwela?
2. Bakit ito kinagiliwan mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang
pampanitikan?
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng panitikang Pilipino?
5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang
Walang Sugat.
6. Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan?
7. Sa pagwawakas ng gawain mo sa bahaging ito, maibibigay mo na ang iyong damdamin sa dulang pantanghalang binasa mo. Gawin ito sa dyornal. Gayahin ang pormat sa sagutang papel

G.   Pagsasanib ng gramatika at panitikan
Babasahin 4: KAANTASAN NG PANG-URI (Kalakip 2.1.d)
Paghusayin mo pa ang iyong kaalaman sa wika. Magsanay Tayo. Pagkatapos mong malaman ang mga impormasyon sa kaantasan ng pang-uri, ngayon ay susubukin natin ang iyong kaalaman. Isulat sa sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na sinalungguhitan sa bawat pangungusap. (lantay, pahambing o pasukdol).
______________ 1. Tunay na bayani ng makabagong siglo si Kesz.
______________ 2. Si Kesz ay sikat na sikat na kabataang simbolo ng pag-asa.
______________ 3. Kami ay ubod saya sa tagumpay na kaniyang natamo.
______________ 4. Siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong sa Dynamic
Teen Company ni Peñaflorida.
______________ 5. Di- gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Kesz
sa ibang kabataan ngayon.
______________ 6. Tunay na huwaran ang kabataang tulad ni Kesz Valdez.
______________ 7. Magkasingganda ng hangarin si Efren at si Kesz sa kanilang
gawain.
______________ 8. Buhay man niya ay salat sa karangyaan at dunong ngunit
hindi niya ipinagkait ang lakas niya upang matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas.
_______________9. Sa gulang na tatlo, namalimos si Kesz gaya ng ibang mga batang lansangan at nagkalkal ng mabahong basura para makahanap ng anumang bagay na may halaga na maaaring ibenta upang suportahan ang kaniyang pamilya.
_____________ 10. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang guro
H.   Pagbibigay ng input hinggil sa tamang paggamit sa kaantasan ng pang-uri


V.           KASUNDUAN
Pagpapasagot sa Gawain 2.1.1.l Ilagom mo









INIHANDA NI
Mendoza, Jenny Rose F.




MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 8
IKALAWANG MARKAHAN
(4 sesyon)
IKATLONG ARAW
TEMA: Sandigan ng Lahi. Ikarangal Natin
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng sariling paglalarawan ng kulturang Pilipino sa tatlong panahon- ang Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt, at Panahon ng Kasarinlan sa masining na paraan na nagbago, nawala at nananatili pa rin sa kasalukuyan.
POKUS NA TANONG:
            PANITIKAN- Masasalamin as a sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ito?
            WIKA- Paano nakatulong ang paggamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng pamgyayari sa akda?

I.MGA LAYUNIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at kahalagan ng mga dulang pantanghalan sa buhay ng mga tao/ mag-aaral
PAGSASALITA
Naibabahagi ang sariling pananaw,damdamin at saloobin
PAG-UNAWA SA BINASA
Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang binasa.
PAGSULAT
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang binasa at sa:
 pamantayan pansarili o pansariling karanasan
 pamantayangas ag sa ibang tao o sa ibang babasahin


4.    PAKSA
Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela
“Walang Sugat” ni Severino Reyes
b. Gramatika/Retorika: Kaantasan ng Pang-uri
c. kagamitang Panturo: manila paper, powerpoint, sipi ng akda, grahic organizers at pentel pen

III.           PAMAMARAAN/YUGTO NG PAGKATUTO
PAGNILAYAN/UNAWAIN
A.   Pang-Araw-Araw Na Gawain
a)    Panalangin
b)    Pagsasaayos ng silid-aralan
c)    Pagbati
d)    Pagtatala ng liban
B.Pagbabalik Aral at pagsagot sa takdang aralin

C.Pagbalik sa mahalagang tanong na sumasalamin as a sarsuwela ang kulturang Pilipino gamit ang pinasidhing anyo ng pang-uri (Gawain 2.1.1l Salaminin mo)









SARSUWELA SALAMINNG KULTURANG PILIPINO



C.PAGLALAHAT
·         Pagpapasagot sa mga tanong (ESSAY)
1.    Bakit umusbong ang sarsuwela sa panahon ng Amerikano?
2.    Bakit mahalagamg unawain/pag-aralan ang mga akdang pampanitikan?
3.    Nakatulong ba ang mga kaantasang pang-uri upang mapalabas ang kulturang Pilipino upang mabisang makapaglarawan?
4.    Tunay bang salamin ng kultura ang mga akdang pampanitikan?








INIHANDA NI:
Mendoza, Jenny Rose F.














MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 8
IKALAWANG MARKAHAN
(4 sesyon)
IKAAPAT NA ARAW
TEMA: Sandigan ng Lahi. Ikarangal Natin
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng sariling paglalarawan ng kulturang Pilipino sa tatlong panahon- ang Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt, at Panahon ng Kasarinlan sa masining na paraan na nagbago, nawala at nananatili pa rin sa kasalukuyan.
POKUS NA TANONG:
            PANITIKAN- Masasalamin ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ito?
            WIKA- Paano nakatulong ang paggamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng pamgyayari sa akda?

I.MGA LAYUNIN
Pagsasalita
Nakapagsasadula ng isang sitwasyon tungkol sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino
Tatas
Naipamamalas ang mga natamong kaalaman at kakayahan sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo. Pakikitungo sa Wika at Panitikan

II. PAKSA
Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela
“Walang Sugat” ni Severino Reyes
b. Gramatika/Retorika: Kaantasan ng Pang-uri
c. kagamitang Panturo: manila paper, powerpoint, sipi ng akda, grahic organizers at pentel pen

III.           PAMAMARAAN/YUGTO NG PAGKATUTO
ILIPAT
A.   Pang-Araw-Araw Na Gawain
a.Panalangin
b.Pagsasaayos ng silid-aralan
c.Pagbati
d.Pagtatala ng liban
B. BALIK ARAL
C. MGA GAWAIN
IV. PAGTATAYA
·         Pagsulat  ng iskrip at diyalogo ng isang dula na sumasalamin sa
pamilyang Pilipino  (babasahin 4, Iskrip at dayalogo. Kalakip 2.1 d)
·         Pagsasagawa ng pamantayang pagganap sa pamamagitan ng GRASPS:
G- Ang mag-aaral ay makagagawa ng isang iskrip at dayalogo
R- isa kang guro sa Filipino
A-Kapwa mag-aaral
S-Magsusulat ng isang iskrip at dayalogo ng isang dula na sumasalamin sa Pamilyang Pilipino
P-Isasadula nila ang isinulat nilang iskrip upang ipamulat ang kapwa mag-aaral sa kalagayan ng pamilyang Pilipino
S-Babasahin 5: mga pamantayan sa pagmamarka sa pagsulat ng iskrip at diyalogo (kalakip 2.1.e)

·         Pangwakas na pagsusulit
V. TAKDANG ARALIN
·         Magsaliksik at magbasa ng mga akdang nakilala sa panahon ng Komonwelt.
·         Ano ang sanaysay? Ibigay ang bahagi at element nito.











INIHANDA NI:
Mendoza, Jenny Rose F.